-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang International Criminal Court sa mga posibleng saksi ng umano’y mga pagpatay at pang-aabuso na may kaugnayan sa kampanya kontra droga sa Pilipinas mula 2011 hanggang 2019 bilang bahagi ng patuloy nitong imbestigasyon. Nagbukas ang ICC ng isang online platform upang tumanggap ng kumpidensyal na impormasyon mula sa mga direktang saksi, kabilang ang mga pulis at iba pang law enforcement personnel.

Samantala, pinayuhan ng Philippine National Police ang mga tauhan nito na humingi muna ng legal na payo bago makipagtulungan, dahil boluntaryo ang panawagan ng ICC. Kaugnay nito, nananatili sa kustodiya ng ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula Marso 12, 2025 dahil sa mga alegasyon na may kinalaman sa war on drugs, matapos tanggihan ang kanyang mga hiling para sa pansamantalang paglaya. Patatakda pa ng korte ang susunod na pagdinig para sa pagsusuri ng kanyang pagkakakulong.