Diskwalipikado si International Criminal Court (ICC) Chief Prosecutor Karim Khan sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos magpasya ang mga hukom ng ICC Appeals Chamber na may conflict of interest sa kanyang dating papel sa Pilipinas.
Pinaboran umano ng korte ang argumento ng kampo ni Duterte na si Khan ay dating kumatawan sa Philippine Human Rights Commission (PHRC) na dati nang nagsumite ng komunikasyon sa ICC na nag-uugnay kay Duterte sa mga pagpatay sa kampanya kontra droga.
Dahil dito, pinaniniwalaang hindi na siya makakakilos nang patas sa naturang kaso.
Pansamantalang hawak ngayon ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang ang kaso, habang si Khan ay naka-leave at humaharap sa isang U.N. inquiry kaugnay ng umano’y kasong sexual misconduct.
Matatandaang inaresto si Duterte noong Marso sa The Hague dahil sa mga kasong kaugnay ng libo-libong napatay sa giyera kontra droga noong siya’y nasa puwesto mula 2016 hanggang 2022.