Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingang interim release o pansamantalang paglaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nagpapatuloy ang pre-trial proceedings kaugnay sa mga kasong crimes against humanity.
Sa ipinalabas na desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber I, iginiit ng korte na nananatiling flight risk si Duterte o may posibilidad na tumakas, kaya kinakailangan parin ang kanyang pagkakulong para matiyak ang kanyang pag-harap sa pagdinig.
Binanggit din ng korte ang muling pagkakahalal ni Duterte bilang alkalde ng Davao noong Mayo 2025 bilang patunay ng kanyang patuloy na suporta sa lungsod, na maaaring magbigay daan upang maulit ang mga krimeng iniimbestigahan ng ICC.
Matatandaang inaresto ang dating pangulo noong Marso ng kasalukuyang taon at nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay sa kanyang war on drugs nang siya ay alkalde ng Davao at Pangulo ng Pilipinas.