-- ADVERTISEMENT --

Nanumpa na hapon ng Lunes, Setyembre 15, ang mga miyembro ng Independent Commission on Infrastructure (ICI), na pormal nang magsisimula sa kanilang mandato na imbestigahan ang mga iregularidad sa mga proyektong pampubliko.

Pinamumunuan ng dating Supreme Court Associate Justice Andres Bernal Reyes Jr. ang ICI, kasama sina dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson at Rossana Fajardo bilang mga miyembro. Dumalo rin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Special Adviser.

Itinatag sa pamamagitan ng Executive Order No. 94, inatasan ang ICI na siyasatin ang maling paggamit ng pondo at anomalya sa mga proyektong pang-imprastruktura, partikular sa flood control, sa nakalipas na sampung taon.

Batay sa kanilang mga natuklasan, magrerekomenda ang Komisyon ng pagsasampa ng kaso laban sa mga responsable sa mga ahensyang tulad ng Office of the President, Ombudsman, DOJ, at Civil Service Commission.

-- ADVERTISEMENT --