-- ADVERTISEMENT --

Simula Setyembre 11, isang unified emergency hotline na 911 na lamang ang tatawagan sa oras ng sakuna, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Papalitan ng bagong sistema ang mahigit 30 hiwa-hiwalay na lokal na emergency numbers. Libre ito, bukas 24/7, at handang tumanggap ng tawag sa iba’t ibang wika sa Pilipinas tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Waray, at Tausug.

Sasaklawin ng 911 hotline ang mga insidente tulad ng sunog, krimen, medikal na emergency, at sakuna. Iuugnay nito ang mga ahensya gaya ng PNP, BFP, BJMP, at mga lokal na pamahalaan sa isang integrated network upang mas mabilis at organisado ang tugon.

Sinabi ng DILG na ang Unified 911 ay bahagi ng adbokasiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas ligtas ang bawat komunidad sa pamamagitan ng agarang tulong sa oras ng pangangailangan.