-- ADVERTISEMENT --

Isinampa ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y paglabag sa Konstitusyon, katiwalian, at betrayal of public trust. Inihain ito matapos niyang ihayag ang planong pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028.

Nakabatay ang reklamo sa mga alegasyon ng pagbabanta sa matataas na opisyal, maling paggamit ng confidential funds, hindi tamang pagdedeklara ng yaman, at iba pang iregularidad, na sinusuportahan umano ng mga dokumento at rekord ng pagdinig sa Kongreso.

Kinumpirma ng kampo ng Bise Presidente na natanggap nila ang reklamo at haharapin ito sa tamang proseso. Nakabinbin pa ang naunang tatlong reklamo, habang inaasahang tatalakayin ng Kamara ang mga ito para sa pormal na pagsisimula ng impeachment proceedings.