-- ADVERTISEMENT --

Nagdulot nga perwisyo sa mga residente ang naranasang pagbaha sa apat na barangay sa bayan ng Banga.

Ayon kay Diosdedet Rufin ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, sanib pwersa silang rumesponde sa mga lugar na binaha partikular sa Barangay Poblacion, Bacan, Cerudo at Libas kung saan matagal na nagsubside ang tubig-baha.

Inabot ng ilang oras ang pagkastranded ng mga motorista at byahero dahil sa malalim na tubig-baha at malakas na agos kung saan walang sumubok na tumawid na mga light vehicles sa nasabing mga daanan maging ang mga malakihang sasakyan.

Dagda pa ni Rufin, noong nakaraang taong 2025 at nagyong buwan lamang sila nakaranas ng mga pagbaha na matagal magsubside.

Maaari umanong barado o makitid ang outlet ng drainage system dahilan para hindi agad makalabas tubig-baha.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon aniya ay passable na ang lahat ng mga daanan na binaha at nagsubside na rin ang tubig-baha sa mga kabarangayan na dahil sa patulog na pagbuhos ng malakas na ulan.