Airstrike
-- ADVERTISEMENT --

Gumaan-gaan ang sitwasyon sa Israel umpisa noong araw ng Martes, alas-7 ng umaga.

Base sa pahayag ng Bombo International New Correspodent sa Israel na si Reynold Geronimo Rose, huling nagpadala ng missiles ang Iran noong Martes bandang alas-2 hanggang alas -4 ng madaling araw.

Dagdag pa nito, sa unang araw ng pagpapaputok ng Iran, naeksperyensyahan niya ang impact ng mga pagsabog dahil sa kanyang pagtatantya ay halos nasa 300meters lamang ag layo ng kanyang pinagtatrabahuhan sa mismong lugar na tinamaan ng missiles.

Ngunit kung nasa loob sila ng bomb shelter kasama ang kanyang alaga ay tanging lagatik lang ang maririnig.

Paliwanag ni Reynold nga bawat unit ng mga bahay at bulding sa Israel ay may bomb shelter lalo na kung bago pa lamang ang mga  ito.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag din niya na sa halos 15 taon niyang pagta-trabaho sa lugar, nasasanay na ito sa mga kahaintulad na scenario. Ngunit kung pag-uusapan ang kaba, hindi ito nawawala at naiiwasan pero hindi raw ito ang rason para magdesisyon siyang umuwi sa Pilipinas dahil kung iisipin at ikukumpara ang kita ay mas doble ang kanilang kinikita doon.

Ligtas din umano ang lahat ng mamamayan lalo na kung susunod sa mga utos at advisories ng gobyerno.

Ipina-alala din nya na wag basta basta maniwala sa mga posts sa social media dahil ang iba dito ay hindi totoo at wala din daw dapat ipag-alala dahil pag-dating sa gyera ay handa ang bansang Israel.