-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may mga Pilipino sa mga nasawi sa pagbangga ng isang tourist bus sa New York State, araw ng Biyernes, Agosto 23

Ayon sa ulat, galing Niagara Falls ang grupo at pauwi na sana sa New York City nang mawalan ng kontrol ang driver dahil umano sa distraction.

Lima ang nasawi sa aksidente, kabilang ang mga pasaherong mula sa India, China at Pilipinas.

Wala namang bata sa mga biktima.

Sa 54 sakay, ilan ang nasugatan ngunit agad ding nakalabas ng ospital at wala nang nasa kritikal na kondisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng Philippine Consulate General sa New York na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga lokal na awtoridad at nakahandang tumulong sa mga biktima at kanilang pamilya.

Hindi pa inilalabas ang detalye hinggil sa mga Pilipinong nasawi upang bigyang respeto ang kanilang pamilya.

Ayon sa pulisya, hindi sanhi ng mechanical failure o pagkalasing ang aksidente.

Naka-survive ang driver at nakikipagtulungan sa imbestigasyon.

Nanawagan din ang konsulado sa mga apektadong pamilya na makipag-ugnayan sa Assistance-to-Nationals Hotline: (917) 294-0196 para sa agarang tulong.