-- ADVERTISEMENT --

Kasunod sa pagbubunyag ng mga palpak na flood control project, kaliwa’t kanan ngayon ang inspection ng mga opisyal ng bayan at probinsya sa kanilang mga nasasakupan para mapanagot ang mga contractor sa likod ng mga palpak na proyekto matapos na makakuha ng malaking pondo mula sa gobyerno.

Sa probinsya ng Aklan, isa ang Aklan river na pinaglaanan ng pondo sa ilalim ng Department of Public Works and Highways upang lagyan ng revetment wall para panangga sa agos ng tubig lalo na sa panahon ng tag-ulan na madalas na nagdadala ng mga malalim na pagbaha.

Kaugnay dito, may ilang residente na rin ang nagpaabot ng reklamo sa Bombo Radyo ukol sa kanilang mga pagkabahala dahil sa sirang revetment wall partikular sa may bahagi ng bayan ng Kalibo at Banga.

Sa kabila nito, sa pagbisita ng Bombo Radyo News Team, nakit ang sira nang revetment wall sa bahagi ng Barangay Linabuan Sur sa bayan ng Banga kung saan ikinababahala ito ng isang residente sa lugar na baka bumigay ang kanilang bahay.

Ayon kay Nelson Umali, halos anim na metro nalang mula sa Aklan river ang natitira sa ngayon papunta sa tinatayuan ng kanilang bahay na lubos nilang ikinababahalaa.

-- ADVERTISEMENT --

Sa mahigit 15-anyos nang naninirahan sa lugar ay nakita nila ang unti-unting pagbigay ng lupa sa ilog sa bawat may pagbaha dahil sa kawalan ng matibay na revetment wall.

Sa ngayon aniya ay wala silang magagawa kung patuloy na kainin ng tubig ang kanilang tinitirahan na lupa.