Muling nanawagan sina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III para sa pagpapatupad ng random drug testing sa Senado, kasunod ng ulat na may staff umanong gumamit ng marijuana sa loob ng gusali noong Agosto 13.
Ayon kay Villanueva, mahalaga ang naturang hakbang upang mapanatili ang tiwala at integridad ng institusyon. Si Sotto, na nagpatupad na noon ng kaparehong programa noong 2018 bilang Senate President, ay nanindigang panahon na para ito’y ibalik.
Agad namang kumilos si Senate President Francis “Chiz” Escudero at inatasan ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na magsagawa ng imbestigasyon. Isinumite ng OSAA ang kanilang ulat kinabukasan at ipinaabot ito kay Senador Robin Padilla para sa nararapat na aksyon.
Batay sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, mandato ang drug testing para sa lahat ng kawani ng pamahalaan upang mapanatili ang isang ligtas at drug-free na kapaligiran sa trabaho