Pilang mga social media influencer, nagagamit sigon sa promosyon it illegal online casino
-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa 93% ang ibinabang kaso ng ilegal na online gambling sa Pilipinas mula ikalawang hanggang ikatlong kwarter ng 2025, batay sa datos ng cybersecurity firms na Gogolook at Whoscall.

Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), resulta ito ng mas pinatibay na pagtutulungan ng gobyerno, pribadong sektor, at mga tagapagpatupad ng batas. Dahil sa mahigpit na regulasyon, unti-unti na ring nawawala ang interes ng mga dayuhan sa pamumuhunan sa ilegal na online gambling.

Kinilala rin ng CICC ang papel ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), PNP-Anti-Cybercrime Group, National Bureau of Investigation, ag Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC)sa tagumpay ng kampanya.