-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Pabor si Atty. Harry Sucgang, isang political analyst sa Aklan sa isinasagawa ngayong closed-door investigation ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa flood control projects scam.

Aniya, pangunahing mandato ng ICI ang mapabilis ang imbestigasyon, makasuhan at mapakulong ang mga sangkot na mga politician, DPWH officials at mga kontraktor sa anomalya.

-- ADVERTISEMENT --

Sakali umanong buksan sa publiko ang pagdinig ay maaring maging sanhi ito ng delay at magkaroon ng trial by publicity.

Naniniwala siyang ang mga miyembro ng ICI ay pawang mga tapat at walang kinikilingan.

Sa kabilang daku, naiintindihan umano niya ang damdamin ng publiko na kapag ang imbestigasyon ay nakatago,  hindi mawawala ang pagduda na may pino-protektahan at sinisekreto dahil sa nangyayaring malawakang korapsyon sa Pilipinas.

Nabatid na kaliwa’t-kanan ang panawagan ngayon mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, Iglesia ni Cristo at mga civil society groups sa ICI na buksan sa publiko ang isinasagawang imbestigasyon upang malaman ng lahat ang mga nangyayari.