Nagpapatuloy ngayon ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa binaril-patay na 45-anyos na babae sa loob ng kanilang bahay sa Makato.
Ayon kay P/Lt Lyn Ibañez, deputy chief of police ng Makato MPS, patuloy parin na nangongolekta ng impormasyon at mga ibedensya ang mga kapulisan kaugnay sa nasabing insidente.
Nagsagawa rin sila ng Praffin test, isang bahagi ng standard operating procedure, sa mga kasama ng biktima sa loob ng kanilang bahay nang mangyari ang krimer partikular ang kanyang live-in partner at ang anak na nasa legal na edad. Pareho din umano silang nag-negatibo mula sa gun powder nitrates.
Dagdag pa niya, may mga anggulo silang iniimbestigahan at may persons of interest din silang binabantayan kaugnay sa nasabing insidente.
Matatandaan na nangyari ang insidente noong Hulyo 6 kung saan kinilala ang biktima na si Lorelie Gonzales na nakita na lang na walang buhay at may tama ng baril sa ulo bandang alas-4 ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay.
Siniguro din ni P/Lt. Ibañez na makakakuha ng hustisya ang pamilya ng biktima at hindi pababaya-an ng kanilang tanggapan ang nasabing kaso.