Nakaabang ang lahat nang naghain ng reklamo sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa nakatakdang pagbukas ng 20th Congress kung ito ba ay pagbobotohan para ipagpatuloy ang trial o tuluyan na idismiss ang kaso.
Ayon kay Bagong Alyansang Makabayan o Bayan president Renato Reyes na isa rin sa mga complainant na babantayan nila ang takbo ng proseso dahil sa lubos silang nadismaya sa nakaraang 19th Congress at ang delaying tactics na ginawa ng mga senador na nagconvene bilang mga senador judge na nung huli ay napagkasunduan ng mga it na iremand o ibalik ang impeachment complaint sa kongreso.
Ayon dito, sa darating na state of the nation address o SONA ni Pangueong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 28 ay doon magtitipon-tipon ang ang lahat para pag-usapan ang tungkol sa impeachment complaint sa bise presidente.
Sakali mang pagbobotohan ang trial proceedings ay kailangan ng 13 votes para tuluyan itong mai-idismiss.
Dagdag pa niya, hindi maikakaila na may mga galamay at kakampi parin ang mga Duterte, ngunit umaasa silang mangingibabaw parin roang justice system para mapanagot si VP Sara sa mga anomaliya at pag-abuso nito sa kapangyarihan bilang bise presidente.
Palaisipan para sakanila ang ginawa ng mga senador na nilabag ng mga ito ang nakasaad sa konstitusyon at umaasa sila na hindi ito mauulit sa pagbukas ng 20th Congress.