Umaasa si House Deputy Minority Leader Perci Cendaña na masimulan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo.
Target ng Kamara na makumpleto ang pagdetermina ng probable cause habang naka-recess ang Kongreso at maiharap ang usapin sa plenaryo pagsapit ng Mayo, kasunod ang pagpapadala ng articles of impeachment sa Senado.
Patuloy ang koordinasyon ng mga mambabatas sa mga naghain ng reklamo upang matiyak ang sapat na batayan ng kaso. Inaasahan ding magiging mahalagang bahagi ng ebidensya ang testimonya ni Ramil Madriaga kaugnay ng umano’y anomalya sa confidential funds.
Samantala, inaasahang makukuha ng House Committee on Justice ang mahahalagang dokumento tulad ng SALN at income tax returns ni VP Duterte at ng kanyang asawa mula sa mga ahensya ng gobyerno.
Naniniwala rin ang mga mambabatas na magpapatuloy ang proseso ng impeachment, habang sinusuri ang mga ebidensya at dokumento kaugnay ng kaso.













