VP Sara, ging-greet ro mga manugturo kadungan it selebrasyon sa World Teacher’s Day .
-- ADVERTISEMENT --

Posibleng magsimula ang impeachment trial laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa Agosto 4, isang linggo matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 28, ayon kay Senador Joel Villanueva.

Sinabi ni Villanueva na karaniwang tinalakay sa unang mga araw ng impeachment ang usapin ng hurisdiksyon, at umaasa siyang mareresolba ng Korte Suprema ang mga petisyong kumukwestyon sa legalidad ng reklamo bago magsimula ang paglilitis.

Nahaharap si VP Duterte sa paratang ng pagtataksil sa tiwala ng bayan, paglabag sa Konstitusyon, katiwalian, at iba pang mabibigat na krimen dahil umano sa maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds at pagbabanta sa buhay ni Marcos at ilang opisyal.

Ayon kay tagapagsalita Ruth Castelo, handa si Duterte na ipagtanggol ang sarili at magprisinta ng ebidensya kung magtutuloy ang impeachment.

-- ADVERTISEMENT --