Isang impostor ang ginamit ang teknolohiya ng artificial intelligence (AI) upang magpanggap bilang US Secretary of State Marco Rubio at makipag-ugnayan sa tatlong mga ministro ng ibang bansa.
Ayon sa report, ang hindi kilalang tao ay gumamit ng AI-generated na boses ni Rubio upang makipag-ugnayan sa mga opisyal gamit ang signal messaging app.
Ang pekeng account ay ginawa noong kalagitnaan ng Hunyo na may display name na “marco.rubio@state.gov.”
Ayon sa State Department, ang impostor ay nagpadala ng mga voice message at text sa ilang mga tao, kabilang ang mga foreign ministers, isang US governor, at isang miyembro ng Kongreso.
Ang nasabing insidente hay kanila ng iniimbestigahan at nagsasagawa na rin ng mga hakbang upang palakasin ang kanilang cybersecurity.
Bagamat wala pang direktang banta sa departamento dahil sa insidente, sinabi nila na maaaring ma-expose ang impormasyon kung ang mga target na indibidwal ay magkaroon ng kompromiso.
Samantala, wala pang komento mula kay Secretary of State Rubio hinggil sa insidente.