-- ADVERTISEMENT --

Bumilis ang antas ng pagtaas sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa Pilipinas noong Agosto.

Sa pulong balitaan, iniulat ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation print noong nakaraang buwan ay bumilis sa 1.5% mula sa 0.9% noong Hulyo.

Mas mabagal naman ito sa year-on-year inflation rate para sa 3.3% noong Agosto 2024.

Ang inflation rate noong nakaraang buwan ay nagdala sa year-to-date national average inflation (January to August 2025) sa 1.7% na mas mababa pa rin sa ceiling ng pamahalaan na 2% hanggang 4%.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Hulyo, ang Food and Non-Alcoholic Beverages index ay nakapagtala ng -0.2%.

Samantala, ang inflation print noong Agosto ay pasok din sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 1% hanggang 1.8%.

“Nakikita natin na kapag may mga bagyo nagkakaroon ng baha sa ating lands na nagpo-produce ng [agricultural] products like vegetables,” dagdag pa ni Mapa.

“Dito nag-attribute na ang impact ng mga bagyo noong nakaraang buwan, particularly sa vegetables.”

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang inflation rate noong Agosto “remains broadly manageable,” ngunit “the recent figures highlight how adverse weather conditions directly impact prices.” Dahil dito ay iginiit ni Balisacan ang kahalagahan ng mahigpit na pagmonitor sa weather outlook ng bansa dahil sa posibleng epekto nito sa agricultural production