-- ADVERTISEMENT --

Nanatili sa 1.7% ang inflation rate ng Pilipinas noong Oktubre 2025, katulad ng buwan ng Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay PSA chief Claire Dennis Mapa, ang average mula Enero hanggang Oktubre ay 1.7%, na nasa loob ng target range ng gobyerno na 2% hanggang 4%.