Bahagyang umangat sa 1.8% ng GDP ang insurance penetration sa Pilipinas nitong Abril hanggang Hunyo, ayon sa Insurance Commission (IC), bunsod ng malakas na pagtaas ng premium collections mula sa life at non-life insurance.
Umabot sa ₱195 bilyon ang life insurance premiums (+12%), kung saan ₱130.7 bilyon ay mula sa variable life (+15.5%) at ₱64.3 bilyon mula sa traditional life (+7%).
Mas mabilis ang paglago ng non-life insurance na umakyat ng 20% sa ₱39.6 bilyon, habang ang kontribusyon sa mutual benefit associations ay tumaas ng 3.1% sa ₱8.16 bilyon.
Tumaas din ng 12% ang insurance density o karaniwang gastos kada tao sa ₱2,137.32.
Sa unang anim na buwan, umabot sa ₱242.8 bilyon ang kabuuang premium collections (+13%), habang ₱77.6 bilyon naman ang benepisyong ibinayad (+1.18%).
Nagtala rin ang industriya ng ₱28.78 bilyong netong kita (+3.6%) at ₱2.26 trilyong total invested assets (+10.7%).