Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala pang inilalabas na Interpol red notice laban kay Zaldy Co, dating kinatawan ng Ako-Bicol party-list, habang patuloy pang sinusuri ng Interpol sa Lyon, France ang kahilingan ng ahensya.
Sa kabila nito, nagpapatuloy ang lokal na manhunt ng NBI kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ni Co sa mga maanomalyang flood control projects na nagkakahalaga ng bilyong piso. Patuloy din ang koordinasyon ng NBI sa iba pang law enforcement agencies at foreign counterparts upang matukoy ang kinaroroonan ni Co, kabilang kung siya ay nakalabas na ng bansa.
Samantala, nanawagan si Navotas Rep. Toby Tiangco sa pamahalaan na maging mas agresibo sa pag-follow up sa Interpol hinggil sa red notice na isinampa pa noong Nobyembre 23.













