-- ADVERTISEMENT --

Pinayagan ng Iran ang ligtas at tuloy-tuloy na pagdaan ng mga barkong may bandilang Pilipino, pati na ng suplay ng enerhiya at mga marinong Pilipino sa Strait of Hormuz kasunod ng pag-uusap ng mga opisyal ng Pilipinas at Iran.

Mahalaga ang kasunduang ito sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga seafarer at seguridad sa suplay ng enerhiya ng bansa. Nagkasundo rin ang dalawang panig na ipagpatuloy ang maayos na ugnayan sa gitna ng umiigting na sitwasyon sa Gitnang Silangan.

Magugunitang dahil sa mga kaganapan sa rehiyon, nagdeklara ng state of energy emergency ang pamahalaan upang mapadali ang pag-angkat ng langis mula sa ibang merkado. Bagama’t may sapat na suplay ng langis ang bansa sa loob ng humigit-kumulang dalawang buwan, nananatiling mataas ang presyo ng produktong petrolyo na nakaapekto sa gastusin ng publiko.