-- ADVERTISEMENT --
Nagbabala ang mga eksperto sa panahon na posible na namang magkaroon ng panibagong bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.
Isang Low Pressure Area (LPA 10a) ang kasalukuyang minomonitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), nasa layong 2,300 kilometro silangan ng dulong hilagang Luzon.
Ayon sa ulat, may mataas na posibilidad na ang LPA ay maging isang tropical depression sa loob ng isang araw.
-- ADVERTISEMENT --
Kapag ito ay tuluyang nabuo, tatawagin itong Bagyong Quedan, ang ika-17 na weather disturbance ngayong taon.
Samantala, nananatili pa ring binabantayan ang Severe Tropical Storm Paolo na may international name na Matmo na nasa labas na ng Philippine territory.