-- ADVERTISEMENT --

Itinalaga si Isabela 6th District Representative Faustino “Bojie” Dy III bilang bagong Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos makakuha ng 253 boto, kapalit ni Rep. Martin Romualdez na nagbitiw upang bigyang-daan ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng alegasyon ng katiwalian sa mga proyektong imprastruktura.

Binigyang-diin ni Dy ang pagpapalakas ng oversight function ng Kamara at ang pagtutok sa badyet na tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan. Hinimok din niya ang pagkakaisa ng mga mambabatas para sa reporma at pagbabalik ng tiwala ng publiko.

Samantala, pinuri ni Senator Francis Escudero ang bagong liderato, ngunit nagpaalala na hindi ito dapat maging dahilan upang balewalain ang mga nakaraang isyu. Giit niya, kailangang manatiling nakatuon ang Kamara sa integridad at pananagutan.