GAZA — Nagsagawa ng ground operation ang militar ng Israel noong Miyerkules sa isang lugar sa gitnang Gaza na kontrolado ng Hamas.
Ayon sa militar ng Israel, layunin ng operasyon na alisin ang umano’y banta sa kanilang mga sundalong nakatalaga sa lugar.
Namataan din ang mga tangke at sasakyang militar malapit sa Nuseirat refugee camp.
Samantala, iniulat ng Civil Defense Agency ng Gaza na tatlong Palestino ang nasawi at ilang iba pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na pag-atake gamit ang mga drone.
Dahil sa patuloy na pambobomba at putukan, muling lumikas ang ilang residente sa pangambang lumawak pa ang operasyong militar.
Marami sa mahigit dalawang milyong residente ng Gaza ang ilang ulit nang napilitang lumikas mula nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 2023.













