-- ADVERTISEMENT --

Ligtas na nakabalik sa Earth ang apat na astronaut mula sa International Space Station (ISS) matapos paikliin ng halos isang buwan ang kanilang misyon dahil sa isang seryosong isyung medikal ng isa sa crew. Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng evacuation mula sa ISS dahil sa problemang pangkalusugan mula nang ilunsad ang estasyon noong 1998.

Ang Crew-11 ay matagumpay na lumapag sa karagatan malapit sa California at agad na sumailalim sa mga medikal na pagsusuri. Pansamantalang naiwan ang ISS na may tatlong astronaut na magpapatuloy sa mga operasyon at siyentipikong gawain hanggang sa pagdating ng susunod na crew sa Pebrero.

Itinuturing ang insidente bilang mahalagang pagsubok sa kakayahan ng NASA sa pagtugon sa mga emerhensiyang medikal sa kalawakan, lalo na’t walang permanenteng doktor na nakatalaga sa istasyon.