-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Nangangailangan ng Pinoy skilled workers ang bansang Japan kung kaya’t bumisita ang ilang opisyal nito sa lalawigan ng Aklan.

Isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan upang bigyan ng awtoridad si Aklan governor Jose Enrique Miraflores na lumagda sa memorandum of understanding para magkaroon ng collaboration sa nasabing bansa.

Ayon kay Aklan second district board member Teddy Tupas, personal na humingi ng manpower si Senator Mizuho Umemura kasama ang ilang department heads ng gobyerno ng Hamamatsu City sa pagbisita ng mga ito sa lalawigan kung saan, malaking oporturnidad ito para sa mga skilled workers ng probinsya na gustong makapagtrabaho sa nasabing bansa.

Tiniyak aniya ng Japan government na madaliin nila ang proseso at requirements sa mga interesadong Pinoy workers.

Hindi rin aniya pababayaan ng Aklan provincial government ang magiging sitwasyon ng mga ipapadalang workers.

-- ADVERTISEMENT --