-- ADVERTISEMENT --

Hindi panghihinaan ng loob sa halip ay mas lalo pang lalakasan ang kanilang panawagan upang maipagpatuloy ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte para mapanagot ito sa umano’y maanomalyang paggasta sa pondo ng kaniyang tanggapan at ng Department of Education (DepEd) nang siya pa noon ang kalihim ng ahensya.

Ito ang naging tugon ni Kabataan Partylist representative Atty. Renee Co sa unconstitutional decision ng Supreme Court sa impeachment complaint na inihain ng iba’t ibang organisasyon, grupo at asosasyon.

Sa pagsisimula aniya ng 20th Congress ay kaagad nitong bibigyan ng pansin ang iba’t ibang hakbang upang muling makausad ang impeachment proceedings laban sa bise presidente kung saan, ang Kabataan Partylist umano ang naghain ng second impeachment complaint.

Kinondina rin ni Atty. Co ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema kung saan, tila kinuha aniya ng hukuman ang karapatan ng mga mamamayan na ireklamo ang tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Dismayado ang mga ito sa naging sistema kung saan, hindi pa man aniya gaanong nakakalayo ang reklamo ay hindi kaagad ito nabigyan ng pagkakataon na mahimay at nang sa gayon ay mabigyang hustisya ang kanilang reklamo.

-- ADVERTISEMENT --