-- ADVERTISEMENT --
KALIBO, Aklan — Nanawagan si Kabataan Party-list Representative Renee Co sa Department of Education (DepEd) na unahin ang pagpapagawa ng karagdagang mga silid-aralan at pagpapabuti ng mga pasilidad para sa face-to-face classes, sa halip na bumili ng libo-libong laptop.
Iminungkahi rin ni Co na masusing imbestigahan ang procurement ng mga mamahaling Apple products ng DepEd.
Depensa naman ng kalihim ng DepEd, ang Apple umano ang nagsumite ng pinakamababang price bid sa lahat ng lumahok sa bidding.
Gayunman, iginiit ni Co na dapat pa ring siyasatin ang naturang transaksyon, ngunit mas dapat munang tutukan ang kakulangan sa mga silid-aralan at mga kagamitang magagamit ng mga guro.












