KALIBO, Aklan—Malapit nang buksan ang kauna-unahang overpass sa bayan ng Kalibo na ipinatayo mismo sa harap ng Kalibo Pilot Elementary School patawid sa Kalibo Magsaysay Park.
Ito ang inihayag ni Jay-Ar Arante, head ng media affairs ng LGU Kalibo sa interview ng Bombo Radyo.
Aniya, mga finishing touches na lamang ang ginagawa sa nasabing overpass bago tuluyang buksan sa publiko.
Dagdag pa ni Arante, hindi magtatagal ay magagamit na rin ng publiko partikular ng mga estudyante at mga magulang nito ng nasabing paaralan.
Ang Mabini at Desposorio Maagma Streets ay isa sa mga pangunahing kalsada sa bayan ng Kalibo na pinakaabala kung kaya’t minabuti ng lokal na pamahalaan na lagyan ng overpass para sa kaligtasan ng mga tumatawid na indibidwal.
Nabatid na ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P13 milyon na pinondohan sa ilalim ng 20% development fund ni Kalibo Mayor Juris Sucro.