-- ADVERTISEMENT --

Mariing itinanggi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang anumang kaugnayan sa umano’y katiwalian sa loob ng ahensya, kabilang na ang mga proyektong may kinalaman sa flood control.

Sa isang ambush interview kasunod ng pagdinig sa Kamara, sinabi ni Bonoan na ang pagpapatupad ng mga proyekto ay nakatalaga sa mga district at regional offices ng DPWH.

Nilinaw niya na bagama’t nasa kanya ang command responsibility bilang pinuno ng ahensya, may mga awtoridad na direktang inatas sa mga lokal na tanggapan.

Kaugnay nito, inihayag ni Bonoan na nagsampa na siya ng mga kaso laban sa mga sangkot sa mga umano’y “ghost projects” na nadiskubre ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at nagsagawa na rin ng preventive suspension sa ilang district personnel.