Inaasahang magsisimula na sa Agosto 18 ang pagtalakay ng Mababang Kapulungan sa panukalang PHP6.793-trilyong National Expenditure Program (NEP) para sa 2025, mas maaga kaysa sa orihinal na iskedyul na Setyembre 1. Target ng Kamara na maaprubahan ito sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Oktubre 10.
Ayon kay House Appropriations Committee Chair Rep. Mikaela Angela Suansing, magbubukas ang deliberasyon sa pamamagitan ng briefing mula sa Development Budget Coordination Council (DBCC).
Nagkasundo ang Kamara at Senado na palawigin ang sesyon hanggang Oktubre 10 upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagtalakay. Kasama rin sa mga repormang ipatutupad ang pagbuwag sa small committee, pagdaraos ng bukas na bicameral conference, at aktibong partisipasyon ng civil society organizations sa mga pagdinig.
Mahigpit ang koordinasyon sa pagitan ng dalawang kapulungan, sa pangunguna nina Rep. Suansing at Senate Finance Committee Chair Sen. Sherwin Gatchalian, upang maging bukas at malinaw ang proseso ng budget reconciliation.