-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Bibigyang atensyon ng bagong assign na hepe ng Kalibo Municipal Police Station ang kampanya laban sa illegal na droga at iba pang kriminalidad gaya ng nakawan at motor-riding suspects.

Si P/Lt. Col.  Jerick Vargas ay opisyal ng umupo upang pamunuan ang Kalibo MPS matapos ang ginanap na turn-over of command ceremony.

Binigyang-diin nito na magpapakalat ng mga kapulisan sa mga strategic areas at magpapatuloy ang bawat araw na random checkpoint upang makatugon sa 5-minute response time na inilunsad ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III.

Kabilang din sa kaniyang plano ang pagpapalakas sa pakikipagdayalogo sa mga barangay.

Samantala, nang tanungin ito kung bakit pinalitan niya sa pwesto si  P/Major Frenzy Andrade bilang hepe ng Kalibo MPS, ipinaliwanag ni Lt. Col. Vargas na batay sa polisiya ng PNP, karaniwang nasa dalawang taon lamang ang designation ng chief of police ng isang police station.

-- ADVERTISEMENT --

Maliban dito, itinuturing na career development ang pag-assign kay Andrade sa Aklan Police Provincial Office bilang provincial administrative records management unit na bagay sa kaniyang ranggo bilang police major.

Ang Kalibo bilang isang 1st class municipality, ang bagay na hepe ng kapulisan ay may ranggo na Lt. Col.