-- ADVERTISEMENT --

Handa ang mga pulis na magpatupad ng warrant of arrest para sa mga personalidad na umano’y sangkot sa flood control scandal sa pagpapalabas ng mga kaukulang korte, sinabi ng Philippine National Police (PNP).

Nakipagpulong ang PNP sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) at iba pang ahensya ng gobyerno sa isang command conference noong Miyerkules para “align strategies” sa imbestigasyon ng administrasyon sa mga maanomalyang proyektong pang-imprastraktura.

Ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sa oras na pormal nang maisampa ang kaso laban sa mga subject individuals at maipalabas ang arrest warrants ng kaukulang korte, handa ang pulisya na ipatupad ito upang mabigyang katuparan ang pangako ng pamahalaan na mabilis na hustisya.

Ang pahayag ng law enforcement agency ay matapos na ipangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga personalidad sa iskandalo ay ikukulong bago matapos ang taon.

-- ADVERTISEMENT --

Nauna nang ipinaliwanag ng PNP na ang tungkulin nito sa imbestigasyon ay magbigay ng “technical support in the areas of engineering verification, forensic validation and information systems development.”

Ayon kay Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, hindi bababa sa 40 katao ang mapabilang sa unang batch ng mga personalidad na mananagot sa umano’y anomalya.