KALIBO, Aklan—Nasa 21% ang ibinaba ng kaso ng dengue sa buong lalawigan ng Aklan na naitala mula noong buwan ng Enero hanggang nitong Hunyo 14 ng kasalukuyang taon kung ihahambing noong nakaraang taon.
Ito ay matapos na naitala lamang ang 472 na kaso sa kasalukuyang panahon kung ikumpara sa kaparehong period sa nakaraang taon na umabot sa 595 cases.
Ayon kay Roger Debuque, Health Program Officer II at Dengue Program Coordinator ng Aklan Provincial Health Office, nangunguna pa rin sa listahan ng may mataas na kaso ng tinamaan ng dengue ang bayan ng Ibajay na nakatala ng 129 na kaso; sinundan ng munisipalidad ng Malay na may 74 cases; bayan ng Nabas na mayroong 50 na kaso at munisipalidad ng Kalibo na may 48 cases.
Sa ngayon aniya na pumasok na ang panahon ng tag-ulan, patuloy ang kanilang kampanya laban sa dengue lalo na ngayon na nagsimula na ang pasukan para sa school year 2025-2026 kung saan, walang pinipiling edad ang makagat ng lamok na nagdadala ng virus na dengue.
Dahil dito, mahigpit ang kanilang paalala sa mga mamamayan na maglinis ng paligid upang hindi pamahayan ng lamok at gawin ang 5โS strategy na kinabibilangan ng ๐๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐จ๐ฉ๐ง๐ค๐ฎ ๐๐ค๐จ๐ฆ๐ช๐๐ฉ๐ค ๐ฝ๐ง๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐จ, hanapin ang mga posibleng pangitlogan ng lamok at sirain; ๐๐๐๐ช๐ง๐ ๐๐๐ก๐ ๐๐ง๐ค๐ฉ๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ, gumamit ng damit na komportable at mahabang manggas o magsuot ng pajama gayundin gumamit ng mga mosquito repellant lotions; ๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐ก๐ฎ ๐พ๐ค๐ฃ๐จ๐ช๐ก๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ, kung may sintomas gaya ng lagnat, ubo at iba pa ay kaagad na magpakonsulta, ๐๐ช๐ฅ๐ฅ๐ค๐ง๐ฉ ๐๐ค๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐ง๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ ๐๐ค๐ฉ๐จ๐ฅ๐ค๐ฉ ๐๐ง๐๐๐จ sa mga lugar na mataas ang kaso ng dengue; at ๐๐ช๐จ๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ฎ๐๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ gaya ng pag-inom ng maraming tubig upang mahydrate ang katawan.