KALIBO, Aklan — Umabot na sa 1,920 ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Aklan mula Enero hanggang Nobyembre 7, 2026, batay sa datos ng Provincial Health Office. Pito naman ang naitalang nasawi dahil sa sakit.
Mas mataas ito ng 92 porsiyento kumpara sa 998 na kaso sa kaparehong panahon noong 2025.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng mataas na kaso ang Kalibo, Malinao, Numancia, Banga at Tangalan.
Ayon sa datos, apat na taong gulang ang pinakabatang tinamaan ng dengue habang 19 na taong gulang naman ang pinakamatanda.
Nasa 80 hanggang 90 porsiyento ng mga kaso ay naitala sa mga batang edad 11 hanggang 20.
Patuloy ang panawagan sa publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at alisin ang mga naiipong tubig na maaaring pamugaran ng lamok na nagdadala ng dengue.













