KALIBO, Aklan — Umabot na sa 568 ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Aklan mula Enero 1 hanggang, Hulyo 12, 2025.
Ito ay base sa report ng Provincial Epidemiology Disease and Surveillance Unit.
Gayunman, isa lamang ang naitalang nasawi sa nasabing period.
Sa nasabing bilang ng nagkasakit sa dengue, 24 dito ang bagong kaso na naitala simula Hulyo 6 hanggang 12.
Pinakamaraming naitalang kaso ng dengue ay mula sa mga bayan ng Ibajay, Malay, Nabas, at Kalibo.
Samantala, ang mga barangay naman na may mga clustering na kaso ng dengue ay ang Ugsod sa Banga, Ondoy sa Ibajay, Caticlan, Manocmanoc at Yapak sa Malay at Laserna sa Nabas.
Payo pa ng Provincial Health Office na mahalagang sundin ang mga preventive measure upang maprotektahan ang sarili at ang pamilya laban sa lamok na nagdadala ng sakit.