-- ADVERTISEMENT --

Kasunod sa pagtaas ng kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) sa buong probinsya ng Aklan, nagpaalala ang mga health expert na sakaling magkaroon ng sintomas ng nasabing sakit ay ugaliin ang paghugas ng kamay; iwasang hawakan ang mata, ilong at bibig; linisan at i-disinfect ang mga kagamitan at agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.

Sa ganitong paraan ayon kay Yjhyl A. Delacruz, health program officer at Nurse 1 ng Aklan Provincial Health Office ay maiiwasan ang pagha-hawaan sa sakit sa miyembro ng pamilya o sa iba pang indibidwal na makakasalamuha.

Base sa datos ng ahensya, umaabot na sa kabuoang 859 ang bilang ng kaso sa probinsya mula noong Enero 1 hanggang Agosto 23, 2025 na triple ang naging pagtaas kumpara noong nakalipas na taon na nakalista lamang ng 187 na kaso sa kaparehong period.

Sa kasalukuyang datos na nakalap ng PHO Aklan, ang bayan ng Kalibo, Numancia at Buruanga ang nakalista ng maraming kaso ng nasabing sakit na karamihan ay nasa edad isang tan hanggang sampung taon.

Ipinaliwanag pa ni nurse Dela Cruz na ang Hand Footh and Mouth Disease ay isang makahahawang sakit na maaaring makuha kun hahawak sa mata, ilong o bibig gamit ang kamay na nahawakan ang bagay na kontaminado ng virus.

-- ADVERTISEMENT --

Kasama sa mga sintomas nito ay lagnat, singaw sa bibig, pagnanakit ng lalamunan, mga butlig sa paa ag talampakan ng infected it virus.