-- ADVERTISEMENT --

Nakalista ang Provincial Health Office (PHO) Aklan ng 18 na kaso ng Leptospirosis sa probinsya ng Aklan ngayon taon at isa dito ay nagresulta sa kamatayan.

Ayon kay Yjhyl Dela Cruz, health education promotion officer ng PHO-Aklan, ang nangungunang bayan na nagkaroon ng nasabing sakit ay ang bayan ng Ibajay na nakalista ng tatlong kaso. Sumunod ang bayan ng Makato na nakalista ng dalawang kaso at halos lahat na nang mga bayan sa probinsya ay nagkaroon ng record.

Base umano sa pag-susuri ng Provincial Surveillance Unit, karamihan sa mga nagkakaroon nito ay ang mga magsasaka.

Dagdag pa nito na kung alam sa sarili na na-expose sa baha, may sugat man o wala, dapat bantayan ang mga sintomas kapareho ng lagnat, pananakit ng katawan, sa ilang kaso ay ang pamumula ng mata, paninilaw ng balat, may kulay brown na ihi, at pagkakaroon ng diarrhea.

Paliwanag din niya na kung na-expose sa baha at nagkaroon ng lagnat, sa loob ng 2-3 araw ng lagnat ay agad na mag patingin sa pinakamalapit na mga Primary Health Care Facility oRural Health Units.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon umano, maliban sa pag-allocate ng mga nararapat na gamot para sa nasabing sakit sa mga Health Facilities, patuloy din ang kanilang pagpapalabas ng mga information materials sa kanilang mga social media platforms, at pag-conduct ng advocacy programs para makapamahagi ng malawak na kaalaman tungkol sa Leptospirosis.

Paalala din niya na kung hindi maiiwasang sumuong sa baha o sa mga maduduming tubig, mag-suot lang ng mga proteksyon sa katawan at ang pinaka-importante umano ay ang paghuhugas ng paa at kamay at siguruhin din na malinis ang mga bahay at kapaligiran para maiwasang pamahayan ng mga hayop na may dalang sakit.