-- ADVERTISEMENT --
Unang beses na muling nakita si Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei mula nang mangyari ang 12 araw na sagupaan sa gitna ng Iran at Israel noong Hunyo 13.
Base sa report, nanatili si Khamenei sa isang underground complex bilang pag-iingat sa banta ng assassination mula sa Israel at Estados Unidos.
Inilabas ng kaniyang opisina ang isang video na nagpapakita sa 86-anyos na lider na dumalo sa isang pag-alala sa Ashura, isang mahalagang araw para sa mga Shia Muslim.
Kabilang sa mga dumalo sina Parliament Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf, Judiciary Chief Gholam Hossein Mohseni-Ejei, at First Vice President Mohammad Reza Aref.
Maririnig sa kaniyang mga tagasuporta ang sigawan ng “Mabuhay!”.
-- ADVERTISEMENT --