-- ADVERTISEMENT --

Inanunsiyo ng Malakanyang na suspendido ang klase sa lahat ng lebel at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno, araw ng Miyerkules, Hulyo 23, 2025 sa ilang lugar sa bansa dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, batay na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ngunit, base sa Memorandum Circular No. 90 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang mga ahensyang may kaugnayan sa pampublikong kalusugan, seguridad, at disaster response ay manananatiling bukas at operational upang matiyak na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan.

Ang mga empleyado ng gobyerno na hindi kabilang sa mga vital services ay maaaring magtrabaho sa ilalim ng alternate work arrangements, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

Kaugnay nito, nagpalabas ng separadong abiso si Aklan governor Jose Enrique Miraflores upang sundin ang ipinalabas na Memorandum Circular No. 90 para ipatupad sa buong lalawigan ng Aklan.

Maliban dito, mismong ang mga alkalde ng iba’t ibang bayan ay nagpalabas din ng sariling abiso upang sumunod sa utos para sa kaligtasan ng publiko at maging ng mga mag-aaral dahil sa banta ng malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng umiiral na weather system sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --