-- ADVERTISEMENT --
Aminado ang Palasyo na naaapektuhan ang economic growth ng bansa dahil sa sunud-sunod na kalamidad at isyu sa korupsiyon, pero iginiit ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro na hindi lang sa panahon ngayon ang isyu ng korupsiyon, kundi sa administrasyon din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Hinahanap pa aniya ang P33.5 billion na flood control master plan sa Metro Cebu, na nakakaapekto aniya sa ekonomiya.
“So, lahat ng kalat nu’ng nakaraang administrasyon, ngayon po natin nililinis,” ani Castro.
Dagdag naman nito, ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng economic team na gagawin ang lahat para mapaangat ang ekonomiya.
-- ADVERTISEMENT --













