Supreme Court ginapakomento ro Senado sa petisyon ni Guo
-- ADVERTISEMENT --

Nangako ang Korte Suprema ng mabilis na aksyon sa oras na maisampa sa hukuman ang mga kaso kaugnay ng umano’y maanomalyang proyekto ng pamahalaan.

Sa anibersaryo ng Strategic Plan for Judicial Innovations, iginiit ni Senior Associate Justice Marvic Leonen na handa ang hudikatura na tumanggap at humawak ng mga ebidensya basta’t ito ay maayos na naiproseso. Binanggit din niyang hindi lang Sandiganbayan kundi pati mga regional trial court ang may hurisdiksyon sa mga nasabing kaso.

Kasabay nito, isiniwalat ni Leonen na nirerepaso rin ng Korte Suprema ang ilang proyekto ng DPWH para sa mga gusali ng hudikatura, kabilang ang mga isinagawa ng ilang kontratistang iniimbestigahan dahil sa umano’y anomalya. Bagamat tapos na ang karamihan sa mga proyekto, patuloy pa rin ang beripikasyon upang matiyak ang integridad ng mga ito.