Inaprubahan ng Korte Suprema ng Estados Unidos ang kahilingan ng administrasyong Trump na pansamantalang ipahinto ang mahigit $4 bilyong pondo para sa foreign aid na inaprubahan ng Kongreso.
Ayon sa desisyon ng conservative-dominated court, mas nangingibabaw ang kapangyarihan ng pangulo sa pamamahala ng foreign affairs kaysa sa agarang pinsala sa mga dapat sanang tatanggap ng tulong.
Nilinaw ng hukuman na pansamantala lamang ang freeze habang tinatalakay pa ang kaso sa mababang korte.
Tatlong liberal na mahistrado ang tumutol, kabilang si Justice Elena Kagan, na nagsabing nilalabag nito ang prinsipyo ng separation of powers at posibleng hindi makarating ang ayuda sa mga bansang higit na nangangailangan.
Target ng freeze ang USAID, pangunahing ahensya ng Amerika sa pamamahagi ng humanitarian aid sa mahigit 120 bansa.