-- ADVERTISEMENT --

Naibalik na ang kuryente sa Boracay at Caticlan, hapon ng Lunes, dalawang araw matapos ang power outage na dulot ng pag-trip ng 69-kilovolt Nabas–Unidos link.

Ito ang kinumpirma ng Department of Energy (DOE).

-- ADVERTISEMENT --

Naibalik ang suplay bandang 2:55 ng hapon ng Lunes, Setyembre 15 matapos maantala ang pagkukumpuni dahil sa high tide. “Power is restored, and our teams remain on site to stabilize the system and complete permanent repairs,” ayon kay DOE Secretary Sharon Garin.

Naputol ang suplay sa Unidos-Caticlan-Malay at Unidos-Boracay lines, na nagdulot ng isolation sa Boracay, Malay, at Buruanga mula sa grid.

Natukoy ng NGCP at AKELCO na ang sanhi ay sira sa underground cables malapit sa Caticlan Airport.

Patuloy ang permanenteng pagkukumpuni, habang tinatapos ng NGCP ang Nabas-Caticlan-Boracay Transmission Line Project na target matapos ngayong 2025.

Nagpasalamat ang DOE sa mga residente, negosyante, at turista sa kanilang pasensya at kooperasyon.