-- ADVERTISEMENT --

HEALTH News — Ipinakita sa isang pag-aaral na inilathala sa Neurology na ang mataas na konsumo ng ilang artipisyal na pampatamis ay may kaugnayan sa mas mabilis na paghina ng memorya at pag-iisip, lalo na sa mga may diabetes.

Sinuri ang pitong uri ng pampatamis kung saan natuklasang karamihan ay may kaugnayan sa cognitive decline.

Batay sa walong taong pagsusuri sa higit 12,000 adults sa Brazil, lumabas na ang mga may mataas na konsumo ng pampatamis ay nakaranas ng hanggang 62% mas mabilis na pagbaba sa mental function, katumbas ng halos 1.6 taon ng pagtanda.

Bagaman may malinaw na ugnayan, hindi pa matiyak kung sanhi nga ng cognitive decline ang mga pampatamis. Inirerekomenda ang karagdagang pag-aaral at pagsasaalang-alang sa mas natural na alternatibo tulad ng pulot at coconut sugar.