-- ADVERTISEMENT --
Natagpuang patay na at isiniksik sa loob ng isang drum ang isang lalaki na iniulat na ilang araw nang nawawala sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur.
Ayon sa report, ang biktima ay may mga saksak sa katawan.
Natuklasan ang bangkay ng biktima matapos na magsumbong ang isang concerned citizen patungkol sa nadiskubreng drum na may balot ng tarpaulin sa Sitio Panag sa Datu Paglas.
Bago madiskubre, ang biktima ay iniulat na nawawala noon pang Oktubre 2.
-- ADVERTISEMENT --
Nakuha na ng pamilya ng biktima ang labi nito.













