-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa lalaking naaresto matapos makitaan ng mga sample ballots at pera sa Brgy. Poblacion, Madalag, Aklan, linggo ng gabi, Mayo 11, 2025.

Ayon kay P/Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional Office 6 (PRO-6),   naharang ang lalaki sa checkpoint ng Philippine National Police.

Narekober sa kanyang posesyon at kontrol ang mga sample ballots at pera nga may iba’t ibang denominasyon na umaabot sa kabuaang halaga na P29,900.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa kustodiya na ng Madalag Municipal Police Station ang lalaki na residente ng nasabing bayan at  posibleng maharap sa kasong paglabag sa Commission on Elections o Comelec Resolution no. 11104.

Ang mga lumabag sa mga probisyon ng Resolution No. 11104 ay maaring arestuhin na walang warrant kung sila ay nahuli sa akto ng paglabag. Ang mga materyales na ginamit sa vote buying, vote selling, o pag-abuso sa mga resources ng estado ay agad na kukumpiskahin at isasailalim sa kustodiya ng mga awtoridad.

Ang lumabag ay dadalhin sa pinakamalapit na estasyon ng pulisya upang dumaan sa kaukulang proseso ng batas.

Ang naturang mga hakbang ay bahagi ng patuloy na pagsumikap ng COMELEC na masiguro ang integridad at kredibilidad ng eleksyon.