Shallow depth of field image taken of yellow law enforcement line with police car and lights in the background.
-- ADVERTISEMENT --

Sugatan ang isang 24-anyos na lalaki matapos saksakin sa likod ng lalaking nakaalitan sa isang bar sa Brgy. Carmay East, bayan ng Rosales sa Pangasinan.

Ayon sa Rosales MPS, ang biktima ay residente ng Balungao, Pangasinan, samantalang ang 23-anyos na suspek ay residente naman ng Rosales, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang dalawa ay parehong nakikipag-inuman sa naturang lugar.

Habang nag-iinuman, hinihinalang binato umano ng yelo ng suspek ang biktima at ang mga kasama nito, na nagresulta sa komprontasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Uminit nang uminit ang komprontasyon hanggang sa saksakin umano ng suspek ang likod ng biktima gamit ang isang improvised ice pick.

Ang biktima ay isinugod sa Conrado Estrella Regional Medical and Trauma Center.

Nabatid na nasa stable condition na ang biktima.

Arestado naman ang suspek at ngayon ay nasa kustodiya ng Rosales MPS. Narekober ng mga awtoridad ang ginamit na improvised ice pick.